Sinimulan na ng Land Transportation Office (LTO) nitong Huwebes ang pamamahagi ng humigit-kumulang 16,500 na hindi na-claim at pinalitang mga plaka sa rehiyon ng Bicol.
Sa isang panayam, sinabi ni LTO-Bicol administrative office chief Noel Barbacena, ang pamamahagi ng mga plaka ay sabay-sabay na ginagawa sa anim na probinsya na may mga itinalagang distribution points.
Ang mga distribution points ng LTO ay ang mga sumusunod: SM Daet sa Camarines Norte; Robinsons Naga sa Camarines Sur; SM Legazpi at J & F Mall sa Ligao City, Albay; SM Sorsogon City sa lalawigan ng Sorsogon; Gaisano Mall sa Masbate; at Virac Town Center (VTC) Mall sa Catanduanes.
Ani Barbacena, kailangang ipakita ang official receipt at certificate of registration, iba pang proof of ownership para makuha ang mga plaka. Kailangang ipakita ng may-ari ang official receipt at certificate of registration kung sakaling iba o maling tao ang makakuha ng plaka.
Sinabi pa ni Barbacena na ang delivery program ng LTO ay makatutulong upang mas madaling makuha ng mga motorista ang kanilang plaka.
Sinabi rin niya na isa pang batch ng mga lisensyadong plaka ang inaasahang darating sa rehiyon. | ulat ni Jollie Mar Acuyong