Lungsod ng Taguig, napasalamat sa COMELEC sa pagkilala nito sa pagsama ng sampung EMBO barangay sa gaganaping BSKE sa Oktubre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na nag pasalamat ang Taguig City Government sa pagsama ng Commission on Elections (COMELEC) sa sampung EMBO barangays na mapasama ito sa darating na BSKE elections sa darating na Oktubre.

Sa inilabas na statement ng Taguig City, nagpapasalamat ito sa komisyon sa pagkilala nito sa naging desisyon ng korte na maisama na ang sampung Embo barangay sa hurosdiksyon ng Taguig City.

Kaungay nito, hinikayat naman Taguig City LGU ang Makati City official na makipagtulungan na sa pagsasaayos ng mga barangay officials upang magkaroon ng maayos na transition ng naturang mga barangay sa lungsod.

Sa huli, nanawagan namang ang lungsod ng Taguig sa mga ahensya ng pamahalaan na tulungan ang kanilang lungsod na mapababa na ang tensyon ng Makati at Taguig upang maipagpatuloy na ang maayos na serbisyo sa mga residente nito.| ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us