Nilinaw ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman na hindi pa magagamit pampondo sa susunod na taon ang Maharlika Investment Fund (MIF).
Sa ngayon kasi aniya, binubuo pa lamang ang Implementing Rules and Regulations ng MIF.
Matapos nito ay kailangan pang buoin ang Maharlika Investment Council.
Ngunit asahan aniya na mapapakinabangan na ang MIF sa mga susunod na taon.
Tinukoy pa ng kalihim na mayroon 194 infrastructure priority projects ang NEDA na nagkakahalaga ng P8.2 trillion na ikakasa hanggang sa 2028.
Kaya naman, oras na kumita ang MIF ay maaaring dito na humugot ng pampondo para sa naturang mga proyekto.
“On the immediate impact po in our budget wala pa po siya. However mayroon po tayong tinatawag na 194 infrastructure priority projects ng NEDA. Yun pong priority projects na yun it’s 8.2 trillion pesos ang total amout but it’s spread fro now until 2028…. So some of the projects po dun sa 194 infrastructure project na mayrong government component, possible po that yung Maharlika po ang mag fa-fund nung projects na yun,” paliwanag ni Pangandaman.
Dagdag naman ng kalihim na sa mga susunod na taon, ang mga infrastructure project ay maaaring hindi na pondohan ng national government at sa halip ay manggagaling na ang funding sa MIF.
“So eventually po wala pa po dito, but in our 2025, 2026, 2027 National Budget, makikita nyo po na yung mga other major infrastructure projects, hindi na po popondohan ng national government,” saad pa ng DBM secretary.| ulat ni Kathleen Jean Forbes