Mahigit 1.8-K tricycle drivers, nabigyan ng tulong bunsod ng mataas na presyo ng gasolina

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nabigyan ng tig-P1,000 ang nasa 1,860 na tricycle dirvers sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte sa isinagawang financial assistance distribution.

Ayon kay Mayor Mike Hernando, ito ay inisyatibo ng lokal na pamahalaan upang maibsan ang paghihirap ng tricycle drivers dahil sa mataas na presyo ng gasolina.

Sinabi naman ni Mr. Wilfred Ventura, presidente ng isang TODA sa naturang bayan, na mahirap ngayon ang kanilang sitwasyon dahil sa mahal ang presyo ng gasolina.

Nasa P58 hanggang P64 ang presyo ng gasolina sa lalawigan.

Isa ring dahilan ang nararanasang pag-ulan at pagbaba ng bilang ng mga pasahero at bakasyon sa eskwela. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us