Sumampa na sa mahigit 1.2 milyong pamilya o mahigit 4.5 milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Egay at habagat sa bansa.
Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa 14 rehiyon.
Pansamantala pa ring sumisilong ang 9,087 pamilya o 32,081 indibidwal sa 405 evacuation centers.
Nananatili sa 30 ang naiulat na nasawi, 171 ang naiulat na nasaktan at 10 ang naiulat na nawawala.
Samantala, umabot na sa mahigit 464 milyong piso ang halaga ng tulong na naibigay ng gobyerno sa mga naapektuhan ng bagyo. | ulat ni Leo Sarne