Mahigit sa 500 aplikasyon para sa Crop Insurance at Claims ng mga magsasaka sa bayan ng Bayambang, Pangasinan ang naproseso ngayon ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Nabatid na nagtungo sa nasabing bayan ang mga kawani ng PCIC partikular sa tanggapan ng Municipal Agriculture Office upang matulungan ang mga magsasaka sa lugar na maipasiguro ang kanilang mga pananim.
Lalo na ngayong patuloy na nakakaranas ng kalamidad ang bansa dulot ng mga bagyo at pagbaha.
Kaugnay nito, sila ay nakapa-proseso ng mahigit 500 aplikasyon para sa crop insurance at indemnity claims para sa mga sakahang nasalanta ng bagyong #EgayPH.
Ayon sa Municipal Agricultures Office, ang PCIC ay isang ahensya ng pamahalaan na maaaring lapitan ng mga magsasaka upang maipasiguro ang kanilang pananim sa mga hindi inaasahang kalamidad at peste.| via Sarah Cayabyab| RP1 Dagupan