Matagumpay na nakumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District – District Intelligence Division Special Mayor’s Team ang kahon-kahong mga smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit 1 milyong piso.
Ito’y kasunod ng ikinasang entrapment operations ng mga awtoridad sa isang bahay sa panulukan ng mga kalye ng Onyx at Zobel Roxas sa San Andres Bukid.
Nag ugat ang operasyon sa reklamo ng isang Troy Caldera – Salonga na kinatawan ng ITP – External Affairs ng PMFTC na affiliate ng kumpaniyang Philippe Morris dahil sa impormasyong may nakatagong mga peke o counterfit na sigarilyo sa nabanggit na lugar.
Nagresulta naman ito sa pakakaaresto ng 2 indibidwal na kinilalang sina Ryan Bongalos at Kurt Rancid Busano habang nakatakas naman sina Johsen Arogante at Aldrin Atienza.
Kasalukuyan nang nasa kostudiya ng Pulisya ang mga naaresto habang inihahanda na ang mga kaso laban sa kanila.
📸: MPD-SMART