Makati City, sinasabing lumabag sa DepEd order na may kaugnayan sa desisyon ng SC sa Taguig-Makati dispute

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang ilang mga guro na hands off na dapat ang Makati City sa mga Embo Schools kasunod ng ipinalabas na order ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa desisyon ng Korte Suprema na sakop na ng lungsod ng Taguig ang 14 na eskwelahan na dating nasa hurisdiksyon ng Makati.

Ilang guro ang nagpaabot ng kanilang report ng paglabag ng Makati City sa order ni Duterte kabilang na dito ang tangkang pagpapapasok ng school supplies ng Makati LGU sa Pitogo High School.

Ang tangkang pagpapapasok ng school supplies ng Makati City ay tinanggihan ng mga guro dahil batid nitong dapat may kautusan muna mula sa DepEd.

Matatandaan na sa hangarin na maalis ang tensyon sa pagitan ng Makati at Taguig, nagpalabas ng Memorandum No 23-2023 si Vice President Sara Duterte na nag-uutos na ilagay sa direct authority ng Department of Education(DepEd) ang 14 na public schools na nasa Enlisted Men’s Barrio (EMBO) barangays.

Sa ilalim ng nasabing memorandum ang DepEd Central Office ang siyang may direct supervision sa management at administration habang hindi pa natatapos ang transition plan para sa paglilipat sa Taguig City ng mga EMBO schools. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us