Pinabulaanan ni Makati City Mayor Abby Binay ang akusasyon ni Mayor Lani Cayetano na hindi pagbibigay ng listahan o masterlist ng senior citizens maging ang mga mag-aaral sa 10 EMBO barangays sa nailipat na mga lungsod ng Taguig.
Ayon sa alkalde, hindi maaring verbal ang pagbibigay nito. Kailangan ng formal letter request ang pabibigay ng mga datos mula sa kanilang lungsod.
Dagdag pa ni Mayor Abby na kinakailangan ng black and white na dumaan sa tamang proseso ang pamamahagi nito. | ulat ni AJ Ignacio