Malabon LGU, nagbukas ng Mega Job Fair ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan na kaninang alas-9:00 ng umaga ang Mega Job Fair sa Robinsons Town Mall sa Malabon City.

Ang job fair ay handog ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang Robinsons Town Mall.

Nasa 55 na katuwang na kumpanya ang makikilahok at handang magbigay ng oportunidad para sa mga job seekers.

Ito na ang pagkakataong makakuha ng trabaho mapa-lokal man o sa ibang bansa ang job applicants.

Pinapayuhan ng local government unit (LGU) ang mga naghahanap ng trabaho na samantalahin ang pagkakataong ito para makakuha ng trabaho.

Tatagal ang job fair hanggang alas-4:00 ng hapon.

Bukod dito, magkakaroon din ng one-stop-shop ng mga National Government Agencies (NGA) kagaya ng Pag-IBIG, PhilHealth, NBI, SSS, TESDA, at PSA, na handang magbigay serbisyo sa publiko. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us