Malabon Mayor Sandoval, nanguna sa pagbubukas ng klase sa ilang eskwelahan sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maagang nag-ikot sa ilang paaralan si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval upang silipin ang sitwasyon sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante ngayong araw.

Unang nagtungo ang alkalde sa Malabon National High School na may 3,666 na enrollees ngayon taon, pinakamarami sa buong lungsod.

Sunod itong bumisita sa Malabon Elementary School na may 3,800 estudyanteng enrolled ngayong pasukan.

Dito, kinamusta ng alkalde ang kalagayan ng mga mag-aaral pati ng mga guro.

Kaugnay nito, hinimok naman ni Mayor Sandoval ang mga estudyante na mag-aral ng mabuti upang matupad ang mga pangarap sa buhay. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us