Binigyang diin ni Senador Chiz Escudero na kailangang magkaroon ng malinaw na panuntunan sa ilalim ng Philippine National Police (PNP) Manual of Operations, sa paggamit ng mga body-worn camera sa police operations.
Ginawa ng senador ang pahayag, matapos ang pagpatay ng mga Police Navotas sa isang 17 taong gulang na binatilyong si Jemboy Baltazar, dahil sa mistaken identity.
Ayon kay Escudero, dapat ring pag-aralan kung kailangang isabatas ang pagmamandato ng paggamit ng body-worn recording devices.
Kaugnay nito, nagpahayag na si Escudero na maging co-author ng Senate Bill 2199 o ang panukalang batas na magmamandato sa pagsusuot ng law enforcement personnel ng body-worn camera sa kanilang mga plice operation, at iba pang aktibidad.
Kasabay naman nito ay isinusulong ng senador ang pagpapaigting ng procurement ng bodycams ng PNP at iba pang mga law enforcement agencies.
Tiniyak ng senador, na bubusisiin niya ang estado ng bodycam procurement program ng PNP sa magiging deliberasyon ng panukalang 2024 budget sa Senado. | ulat ni Nimfa Asuncion