Mall Voting Simulation sa Cebu, matagumpay na naisagawa ng COMELEC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging matagumpay ang isinagawang mall voting simulation ng Commission on Elections- Cebu City First District sa Robinson Galleria ngayong araw, Agosto 19.

Ayon kay Omar Mamalinta, tagapagsalita ng COMELEC Cebu Province, lahat ng mga nasa checklist nila ay nasunod.

Umabot sa 76 ang voters turn-out sa isinagawang mock election kung saan ang mga botanate ay nagmula sa Brgy. Parian.

Una nang sinabi ni COMELEC Region VII Director Lionel Marco Castillano, layunin ng mall voting simulation na masukat ang kahandaan ng COMELEC at kaangkupan ng mga mall na gawing voting center sa darating na mga election.

Maliban sa taga COMELEC, lumahok rin sa simulation ang mga PNP personnel mula sa Cebu City Police Office, Philippine Coastguard, Philippine Navy, Armed Forces of the Philippines, at Visayas Command.

Ang Robinsons Galleria sa Cebu City at SM City Consolacion sa lalawigan ng Cebu ay siya namang gagamiting Voting Center ng nasa mahigit 2,000 botante sa darating na Barangay at SK Election ngayong Oktubre 30.

Ayon pa sa COMELEC sa Cebu, nasa 80 porsyento na silang handa sa pagsasagawa ng BSKE.| ulat ni Angelie Tajapal| RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us