Manila International Airport Authority, nakiisa sa pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day sa NAIA Terminal 1

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiisa ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa padiriwang ng Ninoy Aquino Day sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ngayong umaga.

Dumalo sa nasabing selebrasyon ang ilang mga mga tagasuporta ni dating Senador Ninoy Aquino at ibang grupo tulad ng August 21 Movement at sabay-sabay itong nag-alay ng bulaklak sa harapan ng marka ng posison ni dating Senador Ninoy Aquino noong siya ay nabaril.

Kabilang din sa dumalo ang host ng naturang programa na si History Professor Xiao Chua.

Ayon naman kay NAIA Terminal 1 Manager Rodel Oba, layon ng pakikiisa ng NAIA Terminal 1 na magbigay galang sa dating senador at dahil sa kanya ipinangalan ang unang international terminal sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us