Manila LGU, nagdeklara na ng walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suspendido na rin ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas, mapa-pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Maynila ngayong araw.

Ito’y ayon sa Pamahalaang Lungsod bunsod ng magdamagang pagbuhos ng ulan na nagresulta na ng mga pagbaha sa ilang dako ng lungsod.

Alinsunod na rin ito sa rekomendasyon ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office gayundin ng Manila Police District.

Ayon kay Atty. Princess Abante ng Manila Public Information Office, hindi lamang sa face-to-face epektibo ang suspensyon ng klase kundi maging sa online classes.

Samantala, pinagana na rin ng Manila LGU ang pagkakaloob ng Libreng Sakay mula pa kaninang alas-4 ng madaling araw. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us