Marijuana plantation sa Kalinga, sinira ng awtoridad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa Php 240,000 ang halaga ng fully grown marijuana plants na sinira ng mga awtoridad kahapon sa isang marijuana plantation sa barangay Apatan, Pinukpuk, Kalinga.

Ayon kay PNP information officer P/Capt. Ruff Manganip ng Kalinga, matapos malaman ng mga awtoridad ang marijuana plantation sa mga sibilyan kaagad na nagsagawa ng joint operatives ang PNP, PDEA at Militar at dito nadiskubre ang 150 square meters na natamnan ng 1,200 fully grown marijuana plants.

Kaagad sinira at sinunog sa nasabing lugar ang illegal na droga.

Walang nadakip na cultivator sa nasabing marijuana plantation.

Kaugnay nito, inihayag ni OIC Provincial Director P/Col. Freddie Lazona ng PNP Kalinga, ang patuloy na kampanya ng mga awtoridad sa iligal na droga shabu man o marijuana.

Kamakailan tatlong suspek ang nadakip ng mga awtoridad sa Bulanao Norte, Tabuk city na nakunan ng more or less 4 grams ng pinaghihinalaang shabu sa naisagawang search operation.| ulat ni Kino Perez| RP1 Tabuk

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us