Marikina LGU, naglabas ng pahayag ukol sa baligtad na bandila ng bansa sa isang drone show sa Closing Ceremony ng Palarong Pambansa 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay ng pahayag ang Lungsod ng Marikina sa isang drone show sa Palarong Pambansa 2023 matapos baligtad na bandila ang inilabas ng DroneTech Philippines na imbes kulay asul ang nasa ibabaw.

Ayon kay Marikina City Mayor Marci Teodoro, mariing kinokondena ang naturang pangyayari dahil malaking pagkakamali aniya ang nagawa ng naturang drone company.

Kaugnay nito, pinapakasuhan na ni Mayor Teodoro ang naturang drone company na DroneTech Philippines upang madetermina ang mga legal na pananagutan ng kumpanya kasama na rin ang mga kalakip na kaparusahan at multa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us