Marikina River, isinailalim sa unang alarma dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa hudyat ng sirena, isinailalim na sa unang alarma ang ilog ng Marikina dahil sa walang patid na pag-ulan sa nakalipas na magdamag.

Bunsod na rin ito ng umiiral na Orange Rainfall Warning ng PAGASA dulot ng habagat na pinaigting pa ng lumabas nang bagyong Goring.

Batay sa pinakahuling monitoring ng Marikina Rescue 161, umakyat na sa 15.7 meters o malapit na sa ikalawang alarma.

Una rito, nagpalabas na ng abiso ang pamahalaang lungsod sa mga nagmamay-ari ng mga sasakyan na nakaparada sa tabi ng ilog at mga mabababang lugar na alisin na ito upang hindi malubog sa baha.

Sa panig naman ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, nakahanda na ang kanilang mga search and rescue equipment sakaling lumala pa ang sitwasyon.

Pero hanggang sa mga sandaling ito ani Teodoro, wala pang naitatalang pagbaha sa alinmang panig ng Lungsod na resulta na rin ng ginawa nilang dredging activities sa ilog Marikina. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us