Maritime Border Security sa hilagang bahagi ng bansa, tiniyak ng NOLCOM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusang pinangangalagaan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ang maritime border security sa hilagang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng regular na maritime air at surface patrols.

Ayon kay NOLCOM Public Affairs Office Chief Maj. Al Anthony Pueblas, nakapagsagawa ang NOLCOM ng 60 air patrol at 30 surface patrol sa unang quarter ng taon sa maritime borders sa kanilang area of responsibility.

Sakop nito ang Bajo De Masinloc (Scarborough Shoal) sa West Philippine Sea, ang Philippine Rise (Benham Rise) sa Pacifc Ocean at ang Batanes Strait.

Sa pamamagitan din ng mga littoral monitoring detachment sa Bani, Zambales; Pasuquin, Ilocos Norte; at Batan at Mavulis sa Batanes, na-monitor ng NOLCOM ang 22,474 dayuhan at lokal na barko sa kanilang area of responsibility, na mahalagang bahagi ng pag-secure ng maritime borders ng bansa.

Sinabi naman ni NOLCOM Commander Lt. General Fernyl Buca na patuloy na magsasagawa ng maritime patrols ang NOLCOM sa tulong ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para mapangalagaan ang mga Pilipinong mangingisda at likas yaman sa karagatan ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

📷: NOLCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us