Mas mabigat na parusa laban sa pang-aabuso, exploitation ng mga bata, lusot na sa komite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng House Committee on Welfare of Children ang substitute bill na nagsusulong ng mas mabigat na parusa laban sa child abuse, exploitation at discrimination.

Aamyendahan ng unnumbered substitute bill ang RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Habambuhay na pagkakakulong at multa na hindi bababa sa P2 milyon ang ipapataw sa mga masasangkot sa child prostitution, iba pang uri ng sexual abuse gayundin ang paglathala ng malaswang babasahin at indecent show na nagpapakita ng mga bata.

Apat na taong pagkakakulong at multa na P50,000 hanggang P100,000 naman ang parusa sa lahat ng uri ng diskriminasyon sa mga bata mula sa indigenous cultural communities.

Inaprubahan din ng komite ang consolidation ng mga panukala para sa positive discipline.

Sa paraang ito ay may magiging klaro ang depinisyon ng child abuse at hindi na maaaring gamitin palusot ang pagdidisiplina para sa anumang karahasan o pananakit sa mga bata. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us