Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang papel na gagampanan ng P5.768 trillion na proposed 2024 national budget sa pagpapatuloy ng gains na natamo na ng bansa sa agri sector, para sa susunod na taon.
Ito ayon sa pangulo ang dahilan kung bakit itinaas ang ilalaang budget para sa mga programa sa ilalim ng Department of Agriculture (DA). (sa bigas, mais, livestock, at high value crops.)
Sa mensahe ni Pangulong Marcos Jr. sa Kongreso, ang National Rice Program ay paglalaanan ng P30.9 billion para sa pagpapaigting ng produksyon ng bigas.
Habang P10 billion ang itatabi para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund, na aasiste sa local rice producers.
Samantalang P916 million ang ilalaan para sa soil improvement.
Maglalaan naman ng P1.5 billion para sa mga hakbang na susuporta sa research at development ng National Agriculture, Aquatic, at Natural Resources Sector Research and Development.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., layon ng administrasyon na paigtingin ang local agricultural production sa bansa, sa pamamagitan ng consolidation, modernization, mechanization, at improvement ng value chain, kabalikat ang napapanahon at calibrated na importation kung kinakailangan. | ulat ni Racquel Bayan