Nagpaliwanag ang Department of Energy (DOE) kung bakit mataas ang singil sa kuryente sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa rehiyon.
Sa pagtalakay ng proposed 2024 budget ng DOE, sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla, ito ay dahil subsidized ng kanilang gobyerno ang bahagi ng binabayaran nilang kuryente.
Ito ay dahil nage-export ng coal o oil ang ilang bansa kaya napapakinabangan nila ang kanilang resources sa pamamagitan ng subsidy.
Ayon naman kay Energy Regulations Commission Mona Dimalanta, sa bagong monitor system ng ERC, umaasa silang makukuha ang final price ng kuryente kasama ang transmission, generation at distribution cost upang makita ang actual rate ng kuryente.
Dagdag naman ni Lotilla, dahil sa “particular generation mix” kaya mataas ang presyo ng kuryente sa bansa.
Una nang sinabi ng kalihim na dapat nang isagawa ang structural changes gaya ng reporma sa electric cooperatives, pagpapalakas sa proseo at istruktura ng ERC. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes