Matinding buhos ng ulan nitong nakaraang sabado, tinitingnang dahilan ng PHIVOLCS sa pagguho ng lupa sa Sitio Corote, Malagutay, sa Zamboanga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinitingnang dahilan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Region IX ang matinding buhos ng ulan nitong nakaraang Sabado ang sanhi ng pagguho ng lupa sa Sitio Corote, Purok 5, sa lungsod ng Zamboanga kahapon.

Ayon kay PHIVOLCS IX Regional Field Officer Engr. Alan Labayog, nagpapatuloy pa rin ang pagguho ng lupa dahil kumpara sa bitak ng kalsada kahapon ay mas lumala ito at hindi na madaanan sa ngayon ang bypass road sa naturang lugar.

Aniya, kung masusundan ito ng matinding buhos ng ulan ay maaaring matakpan ng lupa ang malaking bahagi ng nasirang kalsada.

Dagdga pa ni Labayog, ang paglambot ng lupa at pag-usog nito sa ilalim ang naging dahilan din kung bakit bumitak ang malaking bahagi ng bypass road sa naturang lugar.

Klinaro naman nito na magmumula sa Mines and Geosciences Bureau at Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office ang opisyal na pahayag sa dahilan ng pagguho ng lupa base sa resulta ng kanilang assessment.

Dagdag pa ni Engr. Labayog, walang sinkhole at seismic activity na naitala at walang natukoy na fault line sa naturang lugar.

Matatandaang nakaranas ng matinding buhos ng ulan ang Zamboanga City nitong nakaraang Sabado dulot ng nararanasang hanging habagat na nakakaapekto sa bansa.

Sa kasalukuyan, nakararanas muli nitong hapon ng matinding ulan ang lungsod dulot pa rin ng masamang panahon. | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us