Mayor Binay, naglabas ng pahayag ukol sa pag-take over ni VP Sra sa 14 na paaralan ng Makati City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay na ng pahayag si Makati City Mayor Abby Binay hinggil sa pag-take over ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa 14 na paaralan ng EMBO barangays na dapat sana ay nakatakdang i-turn over sa Taguig City.

Sa kanyang statement, sinabi ni alkalde na welcome sa kanila ang naging desisyon ng ikalawang pangulo sa pag-take over nito sa 14 na paaralan.

Dagdag pa ni Mayor Binay na hinihintay na lamang nila ang transition team ni VP Sara upang maayos na mai-transmit ang mga dokumento.

Nagpasalamat naman si Mayor Abby kay VP Sara sa ginawang hakbang nito upang maalis na ang agam-agam ng mga mag-aaral, mga magulang at mga guro.

Makakaasa naman ang ikalawang pangulo na uunahin ng Makati ang kapakanan ng mga guro, mga kabataan at kanilang mga magulang. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us