Menor de edad, patay matapos aksidenteng mabaril sa Rodriguez, Rizal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang menor de edad ang namatay matapos na aksidenteng mabaril sa insidenteng kinasangkutan ng pulis sa Rodriguez, Rizal.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si John Francis Ompad, 16, na residente ng Southville 8B, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Nangyari ang insidente noong Linggo ng hatinggabi nang paputukan ng isa sa dalawang suspek ang kapatid ng biktima na si John Ace Ompad, 19, na hinabol ng mga suspek hanggang sa bahay matapos na tangkang parahin.

Dito’y aksidenteng tinamaan sa sikmura ang biktima na lumabas ng bahay sa pagkakataong iyon.

Naisugod pa sa ospital ang biktima, pero idineklarang medically dead ng pasado alas-4 ng hapon.

Sa isinagawang follow-up investigation ng Rodriguez MPS, kinilala ang mga suspek na sina PCpl. Arnulfo Sabillo na naka-assign sa Community Police Action Center (COMPAC) 5 ng Rodriguez MPS at isang sibilyan na si Jeffrey Baguio, 27, ng Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP at inihahanda na ang kasong Homicide at frustrated homicide laban sa kanila. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us