Mental health at nutrisyon ng mga Pilipino, patuloy na prayoridad sa 2024 national budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa P683 million ang pondong ilalaan ng Marcos Administration para sa mental health commodities ng nasa 124, 46 patient, sa susunod na taon.

Ito ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay dahil noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, nakita naman ng lahat ang kahalagahan ng mental health ng publiko upang makasabay sa stress na dala ng iba’t ibang suliranin.

Sa budget message ng Pangulo sa Kongreso, sinabi nito na prayoridad pa rin ng administrasyon ang nutrisyon ng mga Pilipino.

Sa susunod na taon, nasa P2.8 billion na pondo ang ilalaan ng pamahalaan para sa Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project.

Ang mga programa sa ilalim nito ang tutugon sa mga insidente ng pagkabansot sa 235 na munisipalidad sa bansa.

Ang school-based feeding program ay makakatanggap ng P11.7 billion para sa 220 days na mainit at masustansyang pagkain, at gatas para sa 55 araw para sa mga benepisyaryong mag-aaral sa Kinder hanggang Grade 6. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us