Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) sa publiko, na nakahanda itong rumesponde sa mga maaaring maging problema sa serbisyo ng kuryente bunsod ng habagat na pinalakas ng bagyong Goring at bagyong Hanna.
Ayon kay Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe Zaldarriaga, nakahanda ang mga crew ng Meralco na rumesponde 24/7 sa mga emergency at mag-ayos ng mga pasilidad na maaaring maapektuhan ng masamang panahon.
Dagdag pa ni Zaldarriaga, kabilang sa paghahandang ginawa ng Meralco ang pagpapalabas ng mga advisory na makatutulong para mapagaan ang maaaring maging epekto ng bagyo.
Gaya ng panawagan ng Meralco sa mga may-ari at operator ng mga billboard, na pansamantalang i-rolyo ang mga ito upang maiwasan ang paglipad at pagtama ng mga billboard sa mga pasilidad ng kuryente.
Hinikayat naman ng Meralco ang publiko na panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon at i-monitor ang lagay ng panahon. | ulat ni Diane Lear