Umakyat pa sa 2.2 milyong indibidwal ang apektado ng malakas na pag-ulan at pagbahang dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Falcon.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), kabilang sa mga apektado ang nasa 870 na barangay mula sa Region III, CALABARZON, at Region VI.
Kaugnay nito, as of August 1 ay umakyat na rin sa 11,295 na pamilya o 40,316 indibidwal ang nananatili sa 469 itinalagang evacuation centers.
Habang mayroon ding 56 kabahayan na labis na nasira sa kalamidad habang 341 ang partially damaged.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy naman ang buhos ng tulong ng DSWD katuwang ang mga lokal na pamahalaan at NGOs sa mga apektadong residente.
Sa pinakahuling tala ng kagawaran, aabot na rin sa higit ₱46.4-million ang naipamahagi nitong relief assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa