Mga barangay, hinimok na mas maging aktibo sa pagtugon sa tuberculosis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinalampag ni AnaKalusugan party-list Rep. Ray Reyes ang mga barangay na mas maging aktibo sa pagtugon sa sakit na tuberculosis.

Ito’y matapos manatili ang TB sa isa sa 10 sakit na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.

Katunayan sa datos ng Philippine Statistics Authority, sa 563,465 na nasawi sa Pilipinas noong Enero hanggang Nobyembre 2022, 15,689 ay dahil sa respiratory tuberculosis.

Habang sa datos ng Field Health Services Information System 1119,558 na mga Pilipino ang tinamaan ng TB mula Enero hanggang Disyembre ng kaparehong taon.

“We need greater involvement from our barangay health system in addressing tuberculosis in our communities. Maraming hamon na pinepresenta ang TB treatment na makakatulong ang mga barangay sa pagtugon,” saad ni Reyes.

Dahil sa nananatili rin ang stigma sa TB na nakakahawa ay kailangan palakasin ng barangay at community health centers ang information drive para ito ay baguhin.

Kailangan rin maipaalam sa publiko na maaari itong gamutin

“Mayroong takot na lubos itong nakakahawa, bukod sa ina-associate din ang TB sa HIV, kahirapan, at hindi magandang gawain. Ngunit ang isa pang matinding hamon na nakikita natin ay walang tumututok sa treatment ng mga pasyente. Dahil mahaba ang treatment, kadalasan ay hindi ito nagiging priority ng mga nagkaka-TB kahit na available naman ang lunas,” sabi pa ng mambabatas.

Ang directly-observed treatment short course (DOTS) para sa TB ay tumatagal ng anim hanggang sampung buwang gamutan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us