Mga benepisyo na natatanggap ng mga residente mula sa EMBO Barangays galing Makati, matitigil sa oras na mailipat ang mga election records patungong Taguig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ititigil ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang pagbibigay ng benepisyo sa mga residente ng EMBO Barangays sa oras na mailipat na ng Commission on Elections ang election records patungo sa Lungsod ng Taguig.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, kinakailangan na rehistradong botante at residente ng kanilang lungsod upang makakuha ng mga benepisyo tulad ng Yellow Card para sa libreng healthcare services at Blue Card para sa mga senior citizen.

Nauna nang iniutos ng COMELEC sa mga Election Officers ng Second District ng Makati at Taguig na maghanda na ng bagong listahan ng mga qualified electoral boards, pag-imprenta ng mga bagong voters’ list at ang maayos na paglilipat ng record ng mga botante at electoral precincts.

Inutusan din ang Election Officer ng Taguig na makipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan pagdating sa security preparations at maayos na paglilipat ng record ng mga botante at electoral precincts.| ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us