Aabot sa P3.91 milyon halaga ng tulong pinansyal ang ipinamahagi ng National Housing Authority (NHA) sa mga biktima ng sunog at pagguho ng lupa sa Zamboanga City.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ang bigay na tulong ay ginawa sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng NHA.
Kabuuang 391 na pamilya mula sa siyam na barangay ng lungsod ang binigyan ng tig-P10,000.
Maaari umano nila itong magamit sa pagpapaayos ng kanilang nasirang mga bahay.
Tiniyak pa ni GM Tai na mababahagian din ang mga ito ng bagong tahanan ngayong taon sa ilalim ng Indigenous Peoples Housing Program ng NHA. | ulat ni Rey Ferrer