Mga bumibiyaheng bus sa EDSA Bus Carousel sa may Ortigas Avenue, nagkaka-ipon dahil sa tumal ng pasahero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumigat ang daloy ng trapiko ngayong araw sa EDSA Bus Carousel dahil sa mga nag-ipong bus partikular na sa Ortigas station nito.

Iyan ay dahil sa matumal ang dating ng mga pasahero lalo pa’t walang pasok ngayong araw dahil holiday.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, hindi bababa sa 15 bus ang naabutang nakapila sa EDSA busway na naghihintay ng masasakay na pasahero.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authrority (MMDA), may lima hanggang 10 segundong ibinibigay para sa mga bus para makapagbaba at magsakay ng mga pasahero.

Dahil sa pagka-inip, ilan sa mga bus driver ay napipilitan nang lumabas ng busway at dumaraan sa EDSA kasabay ng mga pribadong sasakyan at papasok ulit bago sumapit sa susunod na istasyon.

Pero paalala ng MMDA, mahigpit na ipinagbabawal sa mga bus sa EDSA Carousel na lumabas ng busway at sinumang mahuhuling lalabag ay mahaharap sa kaukulang parusa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us