Mga estudyante sa Makati City Science High School sa Brgy. Cembo, patuloy ang pagdagsa ng mga estudyante ngayong unang araw ng pasukan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagdagsa ng mga mga mag-aaral sa Makati City Science High School ngayong umaga kung saan ito ang unang araw ng balik-eskwela ng mga estudyante ngayong araw.

Sa ngayon ay maayos ang pagpapatupad ng daloy ng trapiko at ang maganda pa rito, bagamat ang naturang paaralan ay bahagi na ng Lungsod ng Taguig ay naka-alalay naman ang mga traffic enforcer ng Makati sa mga tumatawid at pagmamando ng trapiko katuwang din ang traffic constable ng Taguig City.

Kaugnay nito, nakatakdang dumating si Department of Education (DepEd) Spokesperson Undersecretary Micheal Poa upang mag-ikot sa mga EMBO barangays na nakapaloob na sa hurisdiksyon ng Taguig. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us