Mga guwardiya sa Bilibid, nanghihingi pa rin ng mga komisyon mula sa mga inmate — DOJ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inamin ng Department of Justice at Bureau of Corrections na may mga guwardiya at warden pa rin sa New Bilibid Prison na humihingi ng komisyon sa mga inmate.

Isa sa inihalimbawa ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ay ang 10% hanggang 20% na komisyon na hinihingi ng mga guwardiya kapag nakikigamit ng GCash ang mga inmate.

Aminado ang kalihim na ang isa sa coping mechanism ng mga inmate ay ang manghingi ng sustento mula sa kanilang pamilya, pandagdag sa pambili ng pagkain.

Ngunit bago makarating sa inmate ang naturang sustento, ay binabawasan muna ito ng mga guard.

Pagbabahagi naman ni BuCor Dir. Gen. Gregorio Catapang, ang mga guwardiya na nagpapagamit ng cellphone sa mga inmate para makatawag sa mga kamag-anak ay naniningil rin.

May magkakataon aniya na umaabot ng P50,000 hanggang P100,000 ang pabayad, depende kung tawag at text lang o kung gagamit ng mas hi-tech na telepono para makapag-video call.

Naniniwala naman ang mga mambabatas na miyembro ng House Committee on Public Order and Safety na ang mga inmate na sangkot sa iligal na droga at may kaya ang pasimuno sa ganitong kultura.

Kaya hiling ng Chair ng Komite na si Laguna Rep. Dan Fernandez na madaliin ang paglilipat o paghihiwalay sa may 500 “VIP” inmate upang mahinto na ang ganitong kalakaran. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us