Mga indibidwal na apektado ng pananalasa ng bagyong Goring, umakyat sa 64,000 ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa 19,370 pamilya o katumbas ng halos 64,000 indibidwal ang apektado ng typhoon Goring sa ilang rehiyon sa bansa.

Batay ito sa datos ngayong umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang mga apektadong indibidwal ay mula sa Regions 1, 2, 3, 6, CALABARZON, MIMAROPA, at CAR.

Sa nasabing bilang, 4,000 pamilya o halos 15,000 mga indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 154 mga evacuation centers habang nasa 10,000 katao ang tinutulungan sa labas ng evacuation center.

Samantala, lubog pa rin sa baha ang nasa 103 lugar sa bansa.

Nakapagtala din ang NDRRMC ng landslide at buhawi sa MIMAROPA.

Nakahanda naman ang 2.4 na bilyong pisong halaga ng standby funds at pre-positioned relief items ng pamahalaan para ipamahagi sa mga nangangailangan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us