Ipinag-utos na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa provincial, cities at municipalities na tiyakin na magkaroon ng Violence Against Women (VAW) Desk sa bawat barangay.
Nilalayon nito na magkaroon ng epektibong pagtugon sa mga kaso ng Violence Against Women sa grassroots level.
Sinabi ni Abalos, kailangang magbigay ng technical at financial assistance ang local government units (LGUs) sa mga barangay; mag-develop at mamahagi ng information materials upang itaas ang kamalayan ng publiko sa VAW.
Sinabi din ng DILG Chief, dapat nang magpatibay o mag-update ng ordinansa ang mga Punong Barangay na magbibigay ng suporta sa operasyon ng VAW Desk. | ulat ni Rey Ferrer