Mga lugar na isinailalim sa state of calamity, umakyat na sa 154

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng bagyong Egay at habagat.

Sa huling ulat ngayong umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa 154 munisipyo at siyudad sa anim na rehiyon sa Luzon ang isinailalim na sa state of calamity.

Ito’y mula sa 151 na lugar kahapon.

Ang mga calamity area ay nasa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Cordillera Administrative Region.

Ang naturang mga rehiyon kasi ang nakaranans ng matinding pagbaha kung saan maraming indibidwal ang naapektuhan.

Dahil nasa state of calamity, magagamit na ng mga LGU at Provincial Government ang kanilang calamity fund.

Awtomatiko ding ipinapairal ang ‘price freeze’ sa mga pangunahing bilihin sa mga calamity area. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us