Mga luma at maliliit na tubo sa Pasay City, papalitan na ng Maynilad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit 22 kilometrong luma at undersized pipes sa Pasay City ang papalitan na ng Maynilad Water Services Inc.

Ito’y upang mas matugunan ang supply requirement ng populasyon sa lugar, na tumaas nang lampas sa kasalukuyang kapasidad ng distribution system.

Sakop ng P362-million pipe replacement project ang 29 na barangay sa mga lugar ng Malibay, Maricaban, Pildera 2, at Sun Valley sa Pasay.

Ayon sa Maynilad, ang mga existing pipes sa 29 na barangay ay inilagay mga 35 taon na ang nakalipas,

bago pa man ang pagsasapribado ng mga operasyon ng MWSS.

Ang mga sukat ng tubo ay hindi na sapat upang matugunan ang dami ng tubig na kasalukuyang kailangan ng lugar dahil sa paglaki ng populasyon sa paglipas ng mga taon.

Target ng Maynilad na tapusin ang proyekto sa taong 2024. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us