Pinuna ng ilang kongresista ang tila kawalan ng nagbabantay sa mga barko at Chinese nationals na nagsasagawa ng reclamation sa Manila Bay.
Ayon kay ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo, may ulat pa aniya silang natanggap na ang mga Chinese national na ito ay bumababa ng barko at umiikot sa ilang pasyalan malapit sa Manila Bay.
Maging si Speaker Martin Romualdez aniya ay nababahala dahil maaaring banta na ang mga ito sa ating national security.
“Pero balita kasi no’n ni Speaker, what he said was like bumababa ang mga ito at nights, so nati-threaten ‘yong national security natin, papaano kung mga members ito ng People’s Liberation Army? Papaano kung members sila ng intelligence community ng China, gathering information, videos, pictures, of vital installations, paano na lang? At may mga balita si Speaker na nakakababa sila, nagu-good time, nagna-nightclub, pupunta d’yan sa may MOA (Mall of Asia), kumakain sa mga Chinese restaurant dahil sinusundo at hinahatid sila ng mga pump boats.” sabi ni Tulfo.
Batay na nakuhang impormasyon, nasa Chinese vessel ang ginagamit sa Manila Bay reclamation.
Bukod dito, isa aniya sa mga kompanya na bahagi ng reclamation project ay ay ang kaparehong kompanya na nagsagawa ng reclamation sa West Philippine Sea (WPS) kung saan itinayo ang isang Chinese airbase at naval base.| ulat ni Kathleen Jean Forbes