Mga mall, target na gawing distribution area ng LTO para sa unclaimed licensed plates

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang posibilidad na maging distribution points na rin ang mga mall para sa unclaimed licensed plates.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, maaaring makatulong ang mga mall para mapabilis ang distribution system sa ahensya at masiguro ang maayos na release ng mga plaka.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang opisyal sa mga dealer at malls para maplantsa ang plano.

“We are now looking at the distribution system, kausap natin ‘yung mga dealers, and malls na pwede rin silang point of distribution not necessarily our own district offices kasi baka ma-overwhelm eh,” ani Mendoza.

Kaugnay nito, plano ng LTO na magkaroon ng appointment scheme para sa maayos na distribusyon ng unclaimed licensed plates.

“Then we will also start the appointment system. Para ‘yung mga taong gustong kumuha ng plaka ay kailangang mag-appointment pagdating nila doon,” paliwanag ni Mendoza.

Kasama rin sa plano ng ahensya ang pagtatalaga ng “mystery applicants” na magbeberipika sa impormasyon ng bawat aplikante at magmomonitor kung may fixing activity sa transaksyon.

“And we will put mystery persons who will get their plates no para malaman natin, ma-validate at ma-monitor natin kung talagang pineperahan yung taong ‘to o hind,” dagdag ni Mendoza.

Habang isinasapinal ito, inihayag rin ng LTO Chief ang pagnanais na mailipat na online ang ibang walk-in transactions ng ahensya.

“We will have to shift some of our transactions from walk-in to online. Nandiyan ‘yung app eh, tumatakbo na ‘yan eh, hindi lang natin nagagamit so within this year I hope that we can shift the majority of our transactions to online appointments. Hindi ‘yung walk-in, walk-in lang ‘no,” pahayag ni Mendoza. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us