Dagsa ang mga mag-aaral sa Rizal High School sa Pasig City ngayong unang araw ng klase sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Rizal High School Principal Richard Santos, nasa mahigit 12,000 ang kabuuang bilang ng kanilang enrollees at inaasahan pa aniyang madaragdagan ito dahil sa mga late enrollees.
Pero sa kabila nito, iginiit ni Principal Santos na isang shift lamang ang kanilang ipatutupad mula ala-7 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon dahil na rin sa malaking bilang ng kanilang mga enrollees.
Pagkakasiyahin na rin aniya nila sa 55 ang bilang ng mga mag-aaral sa kada classroom mula naman sa standard rate na 40 estudyante partikular na sa Senior High School.
Ito’y dahil aniya sa kakapusan ng kanilang mga guro kaya’t mayroon silang inaasahan na karagdagang 14 na guro na pasusuwelduhin ng Pasig LGU.
Nabatid na dating kinilala ang Rizal High School bilang World Secondary Largest School at isa sa pinakamalaking paaralan sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala