Mga naghain ng kandidatura para sa BSKE, umabot na sa mahigit 700,000

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit sa 700,000 na ang nag-file ng kanilang mga Certificate of Candidacy para kumandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan election ngayong Oktubre 30, 2023.

Ito ay batay sa datos na ibinahagi ng Commission on Election na nagsimula noong Lunes at magtatagal hanggang Sabado, Septyembre 2.

Sa pinakahuling datos, nasa 767,064 ang kabuuang bilang ng mga nagsumite ng kanilang intensyon para kumandidato.

Sa posisyon bilang punong barangay, nasa 58,602 ang nagsumite na ng COC habang sa mga kagawad o sangguniang barangay ay 421,365.

Ang naghain ng COC para sa Sangguniang Kabataan Chairperson, ay umabot naman sa 46,921 at para sa member ng SK kagawad ay umabot sa 240,176 ang nakapaghain na din ng COC.

Samantala, dahil suspendido ngayong araw ang filing ng COC sa Metro Manila, Ilocos Norte at Abra dahil sa sama ng panahon, pinalawig naman ng COMELEC ng hanggang alas-5 ng hapon ng Septyembre 3 ang paghahain ng kandidatura. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us