Umabot na sa 21,029,531 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang nagparehistro para sa School Year 2023-2024.
Ito’y batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) Quick Count para sa susunod na pasukan.
Pinakamaraming mag-aaral ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,323,943 sinusundan ito ng NCR na 2,437,041 at Region III na may 2,394,421.
Paalala ng Department of Education (DepEd) na hanggang ngayong araw na lang ang enrollment sa klase.
Samantala, ang mga Alternative Learning System (ALS) learners ay maaari na ring magpatala sa kanilang barangay, community learning center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan.| ulat ni Rey Ferrer