Mga nagsilikas na mga residente sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur, nakauwi na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang mga residente ng Brgy. Bigaan, Hinatuan, Surigao del Sur na napilitang magsilikas dahil sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng New People’s Army (NPA) sa nasabing barangay noong nakaraang linggo.

Bago pa man inihatid ang mga Internally Displaced Persons (IDPs) ay personal na bumisita sina Hinatuan Mayor Shem Garay, Tandag Bishop Raul Dael at ilang mga lokal na opisyal upang masigurong nasa maayos itong kalagayan. Una nang nagbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga field office ng mga hygiene at sleeping kits at food packs na babaunin ng mga IDPs pabalik sa kanilang lugar, maliban pa sa ginawang psychosocial services.

Dahil dito, pormal nang deactivated ang Emergency Operations Center (EOC) ng lokal na pamahalaan ng Hinatuan. | ulat ni Nerissa Espinosa | RP1 Tandag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us