Mga pagyanig sa Bulkang Mayon, nadagdagan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagyang tumaas ang mga naitalang pagyanig sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24-oras.

Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, nagkaroon 56 volcanic earthquake sa bulkan kabilang ang 39 volcanic tremor na tumagal ng isa hanggang 20 minuto.

Umakyat din sa 134 ang naitalang rockfall events at mayroon ding dalawang pyroclastic density current events.

Nagpapatuloy rin ang lava flow sa bunganga ng bulkan na umabot sa 3.4 km sa Bonga Gully, 2.8 km sa Mi-isi Gully, at 1.1 km sa Basud Gully.

May pagguho rin ng lava hanggang apat na kilometro mula sa crater ng Mayon Volcano.

Sa kabila naman ng aktibidad sa bulkan, ay nananatili sa Alert Level 3 ang ulkang Mayon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us