Inaalam ngayon ng Philippine National Police (PNP) kung sino sa kanilang mga tauhan ang may kamag-anak na tatakbo sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ito ang magiging basehan ng gagawin nilang re-assignment ng mga naturang pulis bago mag-eleksyon.
Paliwanag ng PNP chief, ito ay para masiguro na hindi masasangkot sa “partisan politics” ang mga tauhan ng PNP.
Ang filing ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbo sa BSKE ay mula August 28 hanggang September 2.
Sinabi ng PNP chief na inaashan nilang makumpleto ang listahan ng mga pulis na may kamag-anak na kandidato kasabay nito, para mailipat ang mga ito bago mag-Election Ban. | ulat ni Leo Sarne