Mga senador, hinikayat ang DFA na ipatupad ang mga nirekomenda nilang hakbang laban sa patuloy na aksyon ng China sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang mga senador sa Executive Branch na ipatupad na ang mga aksyon na nakasaad sa resolusyong  ipinagtibay ng Senado kaugnay ng patuloy na askyon ng China sa West Philipine Sea.

Ito ay kasabay ng pagkondena sa insidente ng panghaharang at pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard na patungong Ayungin Shoal.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ang aksyon na ito ay pagpapakita ng “might vs. right” treatment ng China sa mga kalapit bansa nito.

Ayon kay Zubiri, ang insidente ay nagpapakita lang ng merito ng Senate Adopted Resolution 79 na mariing kumukondena sa harrassment at pambu-bully ng China sa mga mangingisdang Pinoy at pwersa ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

At dahil aniya sa patuloy na pagbabalewala ng China sa mga protesta ng Pilipinas, nararapat lang na ipanawagan na natin sa buong mundo na kondenahin ang askyong walang lugar sa isang sibilisadong kaayusan.

Iginiit naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na dapat nang matigil ang ganitong uri ng bullying.

Hinikayat ni Villanueva ang Department of Foreign Affairs (DFA) na ipatupad ang mga aksyong nakasaad sa pinagtibay nilang resolusyon para matuldukan ang aksyong ito ng China.  | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us