Mga senador, kinilala ang legasiyang naiwan ni Sec. Susan ‘Toots’ Ople sa sektor ng paggawa at sa migrant workers ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiramay ang mga senador sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople.

Sa sesyon kahapon, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na isa itong malungkot na araw para sa mga manggagawa at mga OFW.

Sa hiwalay na pahayag, inilarawan ni Zubiri si Secretary Ople bilang isang dedicated public servant na may malaking puso para sa taumbayan.

Nangako naman ang Senate president na patuloy nilang ipagpapatuloy ang sinimulan nitong mga hakbang sa pagprotekta at pagpapataas ng kapakanan ng mga migrant workers ng Pilipinas at ating mga manggagawa.

Inalala naman ni Senador Alan Peter Cayetano ang matapang na paglaban ni Ople laban sa labor exploitation at human trafficking.

Pinagpasalamat naman ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang kontribusyon ng kalihim lalo na sa dekada na nitong pagtataguyod ng karapatan ng ating mga OFW.

Bukod sa karapatan at kapakanan ng mga migrant worker, binigyang diin naman ni Senador Sherwin Gatchalian ang mahalagang papel ni Secretary Toots sa pagtataguyod ng karapatan ng mga kababaihan at ng mga kabataan.

Ikinalungkot rin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pagpanaw ng kanyang kapwa Bulakenyong si Secretary Ople.

Iginiit ni Villanueva na gaya ni Secretary Toots ay nangangarap rin siyang darating ang araw na ang mga Pilipino ay mangingibang bansa, hindi lang dahil sa pangangailangan at dahil napilitan sila, kundi dahil option na nila ito. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us