Mga senior citizen, hinikayat ng DSWD na magparehistro sa database ng NCSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo nitong may kaanak na senior citizen na iparehistro ang mga ito sa database ng National Commission on Senior Citizens (NCSC).

Ito ay habang nagpapatuloy ang nationwide NCSC online registration sa lahat ng senior citizens sa bansa.

Ayon kay DSWD Asst. Secretary Romel Lopez, mahalaga ang pagkakaroon ng isang nationwide database ng senior citizens dahil magsisilbi itong baseline para sa mga polisiya at programang itataguyod sa kapakanan ng mga nakatatanda.

“The national database of the senior citizens, which records the information of every older person in the country, will serve as a game changer in the formulation and development of programs, interventions, and services for the sector,” Asst. Secretary Lopez.

Maaaring magrehistro sa pamamagitan ng official NCSC website, (ncsc.gov.ph) o kaya ay magtungo sa tanggapan ng Senior Citizen Affairs (OSCA) sa kanilang LGU para sa manual registration.

Samantala, patuloy namang pinag-iingat ng DSWD ang publiko sa mga spam text messages at pekeng social media posts na umano’y may matatanggap na P1,000 pensyon ang mga magrerehistro sa NCSC.

Paliwanag ni Asec. Lopez, hindi ‘required’ ang registration para maging benepisyaryo ng Social Pension for Indigent Senior Citizens program.

Nilinaw din nitong hindi pa ipinatutupad ang karagdagang P500 monthly stipend para sa senior beneficiaries dahil hinihintay pa ang pondo para dito. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us