Mga tarpauline ng broadcaster na si Rex Cayanong, kusang tinanggal na ng kanyang supporters

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay sa pagpapatupad ng election period ngayong araw, aligaga ang hanay ng Philippine National Police (PNP) at ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagpapatupad ng checkpoints at Election Gun Ban sa buong bansa bilang pagtalima sa isinasaad ng Ombnibus Election Code.

Ngayong araw din ang unang araw na itinakda upang maghain ng Certificate of Candidacy ang mga nagnanais lumahok sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Una nang nagbabala ang COMELEC sa publiko laban sa pagdadala ng baril at malaking bulto ng salapi na siyang subject ngayon ng PNP/COMELEC Checkpoint.

Nagbabala rin ang COMELEC laban sa early campaigning, kabilang ang pag-iikot ng mga kandidato at pamamahagi ng kung ano-anong ayuda na maituturing na kampanya o vote buying at mahigpit ding ipinagbabawal ang paglalagay ng tarpauline na maaaring maging dahilan ng diskwalipikasyon ng isang kandidato.

Kahapon pa lamang, August 27, ay mabilis na ring kumilos ang mga tagasuporta at endorser ng batikang komentarista na si Ka Rex Cayanong sa Barangay San Isidro, Antipolo City sa pagtatanggal ng kanilang inilagay na mga tarpauline.

Inilagay kasi ito ng mga tagasuporta ni Ka Rex at ng Team Tao ang Una sa kagustuhang kumbinsihin ang batikang komentarista na tumakbo sa pagka-Barangay Captain para matapos na ang dinastiya sa kanilang lugar.

Ayon kay Lolet Tagalisia isa sa lider ng Team Tao ang Una, nagsagawa sila ng pagtatanggal ng mga tarpauline ni Ka Rex bilang pagtalima sa direktiba ng COMELEC at pakiusap na rin ni Ka Rex, ayaw kasi nila na madiskaril pa ang kanilang pangarap na mawakasan ang dinastiya sa kanlang lugar dahilan lamang sa tarpauline.

Maging ang mga taga-TODA at leaders ay katulong din sa pagbabaklas ng tarpauline ng kanilang iniidolo bagamat hindi pa ito naghahain ng COC sa COMELEC.

Ikinukonsiderang ganap nang kandidato ang isang indibidwal na pormal nang naghain ng COC sa COMELEC. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us